Dates to remember:
May 23, 2011 - 143rd day of the year 2011
May 25, 2011 - UST Love Stories = 7 months

UPDATES: Mini-game, Submit a picture

Sabado, Setyembre 24, 2011

LOVE ADVICES: It's back!






UST Love Stories: Hi guys, Kumusta na ang buhay niyo? Relasyon sa ibang tao? Heto na at magkwentuhan ulit tayo tungkol sa problema niyo! Sa ngayon, sisikapin namin na maipost lahat ng mga problema niyo. Maraming salamat sa pagsubaybay sa RAWR at sa UST Love Stories.

I am hoping he will just embrace me and tell me how much he loves me
I'm a girl and I'm in love (for the first and probably the only time).
you see, i have this friend of mine.. We were always together, pigging out, watching movies, etc. Then he starts to court me (even though he knew I'm gaga over someone else. even though he knew that I'm not ready yet for a relationship. even though I always told him "hindi kami talo :D").
It has been more than half a year since he started giving me definite signs.. and we've agreed to be exclusive (but unofficial because I told him only after he graduated that we can be a couple). He agreed (or somehow he took it as me agreeing to be his girlfriend just without the label yet). The problem now is that, I've been afraid--what if he loses interest in me? what if he doesn't really like me? what if I can no longer make him happy? So, I resolved into telling him my assumption that we'll eventually break up. Apparently, he never saw it as my way of asking for an assurance... Now, he "broke up" with me. I told him I love him but he didn't say anything that may relieve of my doubts. I told him I'll be mature so he won't get disappointed with me again but he replies nothing... We haven't been talking now but I am hoping he will just embrace me and tell me how much he loves me. :( But I'm wondering, is there really a chance for us? Should I keep on loving him?
- my sister. asking a thousand questions.. i don't know what to tell her. help her please

Linggo, Mayo 22, 2011

APAT DAPAT


APAT DAPAT

Dahil ang apat ay bida ngayon.

Announcement: May 25, 2011 - 7 months na tayo :">

Mahigit APAT na libo na ang tumangkilik sa UST Love Stories.

Nung una magisa lang ako. Tapos naging APAT na kaming administrators ng UST Love Stories bago pa magtapos ang taong 2010.

Kung inyong natatandaan, iba't ibang apat na bagay ang inihain sa page dahil 4k na tayo.

Ito na ang aking pagkakataon para i-post naman ang mga bagay tungkol sa APAT.

Ang pinakaunang tinanggap ko bilang isang admin ay si ___________ na may screen name sa page na APAT.

At ngayon, APAT na buwan na rin kami ng boyfriend ko.

APAT DAPAT? <3

Trivia: Ahem. D + APAT = DAPAT (D=first letter din ng pangalan nitong si Admin Apat)

TOP 4 NAKAKAWINDANG CASES
(Source: LOVE ADVICES)

1. Paano magka jowa?

2. Ang hirap mag move on. Mahal ko pa ex ko, kahit pumatol na siya sa bakla

3. Ahmm.. i'm a virgo, and he's an aquarius... compatibility says.. "Virgo with Aquarius - Ridiculous! But challenging and possible with therapy and counseling and grueling hard work. Initially sexy. Boring long run. Hold off on commitment here. It may not be worth the struggle. No children"..

4. Lagi kaming nag kakatinginan

Eh si Admin Apat? Hmm. Pagdating sa mga pagpaplano ng mga iba’t ibang pakulo naku go na go yan! At syempre malaki din ang pasasalamat ko sa kanya kasi malaki ang naitulong niya para mapalago pa kung anong meron ngayon ang UST Love Stories.

FUN FACTS

Remember the radio show Kwentomasino? Si Dan? Nagplug si Admin Apat dun at nataong wala akong pasok. That was Monday. Nakakatuwa nga eh, kinakabahan si Admin Apat! Haha peace! Pero kung ako yun, nako baka mangatog na parang cellphone ung tuhod pati ang boses ko. Super thank you Admin Apat kasi pumayag kang iplug ustls dun :”>

Dun sa sneak peek naman ng Free Hugs super enjoy kami nun kasi pakapalan ng face ever. Actually, wala akong lakas ng loob para hawakan at itaas ung free hugs placard nung una, lalo pa at hindi naman lahat eh nakakaalam kung ano at para saan ang Free Hugs. Hindi rin madaling ipaliwanag ito. Minsan parang thesis defense, aambushin ka ng mga tanong at kailangan maipaliwanag mo ito ng maayos. Kung iisipin mo nga naman eh, isang stranger yayakapin mo? Isang malaking... BAKIT???.

BOMBARDED KAMI NG MGA TANONG

·         Ano yan?
·         Anong gagawin jan?
·         Ah hahawakan ko lang?
·         Tapos?
·         Ano yan, project niyo?

Pero dahil nga tatlo lang kaming admin na magkakasama, ako (Momoko), si Admin Apat at si Admin Kil, eh minabuti naming kumuha na lang ng picture ng mga tao na papayag hawakan ung free hugs placard.

Dahil nahihiya kaming tatlo, ang ginawa na lang namin ay sunod-sunod na lang kaming nanghingi ng pabor sa mga tao. Pabor na magpapicture kasama ung placard at sinabi rin naman namin na i-popost ito sa page.

Hiningan din namin ng pabor si Kuya Guard ng gate 1 at si Kuya Ice Cream :3 Bute at pumayag din sila.

At may gusto pa sana ko ireveal tungkol kay Admin Apat kaya lang ayoko baka magalit sakin haha! :”> Malaman laman ko na na __________ pala tong babaeng to... Haha peace >:D<

Kahit na hindi na tayo gaanong magkakasama, hindi ko makakalimutan ung mga panahong nagkasama tayo lalo na ung gabing nalaman kong na_______ ka pala haha =)) Natuwa lang ako sa reaksyon mo haha hindi ko kasi akalain. Pero hindi ka naman mawawala sa page diba? IKAW PA >:D< Mamimiss ka namin, SUPER!

At para sa pagtatapos ng kwento ko, nagpapasalamat ako sa mga naniniwala at sumusuporta sa page na ito. Kung gusto niyong manghingi ng tulong sa page, may gusto kayong ipa-plug, o kung anuman, magsend lang kayo ng message via fb. <3

Malapit na ang pasukan, makikita na natin ulit ang UST. Or should I say... Makikita mo na ung taong nagpapangiti sayo? =))

Miyerkules, Mayo 18, 2011

I fell in love with my best friend




Love Chic “Love comes when you least expect it.” I started to believe that line when I fell in love with my best friend. As his best friend, I knew that he was good looking, nice and everything a girl wishes for but I was pretty confident that I would never fall for him. I even proposed a deal that we should not be more than best friends. But silly me, I wasn't strong enough to escape his charm. I fell madly in love with him and so did he. Read more>>


Karlo & Giannina (studying BS Electronics and Communications Engineering at University of Santo Tomas) ♥

Nagustuhan mo ba? Kung oo...

Like this page: Me&U 

Tapos: CLICK HERE

(Click like para matulungan natin siya. The contest ends on May 20, 1AM)


Lunes, Mayo 16, 2011

UST Collegiate Calendar for A.Y. 2011-2012 and other Events

Hello, fellow Thomasians, ready for the next school year??

UST Collegiate Calendar for A.Y. 2011-2012

 and other Events

JUNE 2011
June 6 – Opening of Academic Year 2011-2012
June 12 – Independence Day
June 20 – 150th Birthday of Dr. Jose P. Rizal
JULY 2011
July 9 – Start of UAAP Season 74
July 19 – Opening of the UST Museum Visual Arts Gallery

AUGUST 2011
August 8 – Feast of St. Dominic de Guzman
August 9 – Preliminary Examinations
August 12-14 – Operetta  on the life of Msgr. Benavides
August 15 – Inauguration and Blessing of the UST Sports Complex
August 21 – Ninoy Aquino Day
August 29 – National Heroes Day

SEPTEMBER 2011
September 1-14 – UST Exhibition in Paris
September 15-16 – Chemistry Nobel Laureates Lecture Forum
UAAP Cheer Dance Competition!!!!!!!*

OCTOBER 2011
October 5-8 – Final Examinations
October 24 – Start of Registration and Enrollment for 2nd semester

NOVEMBER 2011
November 7 – Opening of Second Semester
November 30 – Bonifacio Day

DECEMBER 2011
December 8 – Feast of the Immaculate Conception
December 15 – Paskuhan Mass
December 16 – Paskuhan Festivities

JANUARY 2012
January 03 – Classes Resume
January 09 – Feast of the Black Nazarene
January 16 – Preliminary Examination
January 28 – Feast of St. Thomas

FEBRUARY 2012
February 25 – EDSA II Anniversary

MARCH 2012
March 5 – Final examinations for Graduating Students
March 23 – Baccalaureate Mass
March 21-24 – Finals for non-graduating
March 26 – Solemn Investitures
* – No exact date
Source: Facebook – University of Santo TomasUST Tiger Radio

Lunes, Mayo 9, 2011

Mahal ka ba niya? Mahal mo ba talaga siya? Let's do an analysis of TRUE LOVE




WARNING: Isang teorya lamang ito. Huwag seryosohin.:)

WALANG MASAMA KUNG IPPRINT ITO AT GAGAWING CHECKLIST:
IT PAYS TO CHECK THE LABEL,BEYBE.

from (1 Corinthians 13:4-8)

Legend:
(x) - senyales ng maling pag-ibig

Ganito ka ba sa kanya/ siya sa'yo:



Love is patient.
  •  Hindi nagmamadali gawin ang mga bagay-bagay. Naiintindihan na may tamang oras para sa lahat ng bagay.
  • Nagiintay ng hindi nagccomplain  (nagiintay ako kasi mahal ko talaga siya).
  • Iniintindi ang dahilan ng minamahal at tinatanggap ng walang anuman.
  • Inirereserba ang puso para sa kanya LAMANG (kasi she's worth it).
  • Hindi nagpapalit ng isip kapag hindi na makahintay at
  • Hindi nagbbback out kapag nainip na.
  • Walang deadline ang tunay na pag-ibig (unless patay na siya).

Love is kind.
  • Inaalala kung nasasaktan na ba ang minamahal sa mga ginagawa.
  • Hindi nawawalang pag-aalala sa pangangailangan ng minamahal.
  • Hindi binibilang ang mga kabutihang nagawa at
  • Hindi iniisip na mas marami mas konti ang nagawa niya para sa'yo.
  • Nakikinig sa mga sinasabi ng minamahal at pinapahalagahan ito.
  • Tinatanggap ang mga pagkakamali at pinapatawad ito.
  • Tinatanggap ang imperfections niya/mo at hindi nagagalit dahil dito,
  • Tinutulungan kang maging better person.

Love is not jealous.
  • Hindi matampuhin. Naiintindihan na may sariling mundo rin ang minamahal  kahit gaano sa tingin mong iisang tao na lang kayo, may mundo pa rin siya at hindi lamang sa'yo umiikot ito.
  • Hindi nagseselos kung alam at sigurado ka na sa kanya lang talaga ang puso mo (matter of trust).
  • Hindi naiinggit sa achievement niya at bumababa ang tingin sa sarili kapag cinompare mo siya sa kanya.
  • Masaya ka para sa mga achievement niya.

Love is not pompous.
  • Hindi nagpapakaimportante dahil alam niya na mahal mo siya.
  • Hindi ka iiwanan dahil alam niyang tatanggapin mo siya pagbalik.
  • Hindi ka ginagamit.

Love is not inflated.
  • Hindi ipinagyayabang ang mga "sakripisyo'' niya para sa'yo.
  • Hindi niya iniisip na masyadong na hurt ang pride niya dahil sa'yo.
  • Binababa ang pride at nagsosorry, humihingi ng patawad.

Love is not rude.
  • Hindi bastos. Nirerespeto kung ano gusto mo at kung anong gusto mong gawin sa buhay (unless nakakasama ito sa'yo).
  • Hindi ka pinipilit na gustuhin ang isang bagay/lugar/gamit/tao/hayop kung ayaw mo ito.
  • Nirerespeto ang katawan mo.
  • Hindi nagsasabi ng mga bagay na alam niyang makakasakit sa'yo.
  • "Nirerespeto kong kailangan mo ng space, magiintay ako at hindi ako manggugulo kasi mahal kita."

Love does not seek its own interest.
  • Minahal ko siya DAHIL mayaman, matalino at HOT siya. (x)
  • Minahal ko siya PARA sumikat, yumaman, maipagyayabang ko  sa friends ko dahil HOT siya. (x)
  • Minahal ko siya  para makaget-over sa letrang ekis. (x)

Love is not quick-tempered.
  •  Madaling mainis, mairita o magalit sa pagkakamali o pagkukulang ng minamahal. (x)
  • Madaling magtampo kapag hindi nangyari/nagawa ang iniisip mong gagawin niya. (x)
  • Naghihiganti (kahit pa sa tingin mong ikakabuti niya ito). (x)

Love does not brood over injury.
  • Hindi iniisip ang sakit na nagawa ng pagkakamali ng minamahal.
  • Iniintindi na nagsisisi naman ang minamahal at nakalipas na ito.
  • No if's or buts.
  • "pero na-hurt niya ako eh, nawala yung.."( X ).
  • "kung gagawin niya ulit...kung  wala siyang.." (malaking ulit)
  • Hindi niya uulitin yun kung mahal ka niya.
  • Forgives and forgets.

Love does not rejoice over wrongdoing but rejoices with the truth.
  • Halimbawa : "Finally! nagkamali siya! which proves na hindi niya ako mahal, it's over!" (X)

  • Halimbawa: "Sinabi niya lahat ng katotohanan tungkol sa kanya, inaamin niya lahat ng kasalanan niya, mahal niya talaga ako." 


It bears all things.
  • "For better or for worse, tayo pa rin ha?:''> "
  • "Wala akong pakielam kung sinasabi nila na 'di tayo para sa isa't isa, basta ang importante ay TUNAY tayong nagmamahalan."
  • "Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig."  (lumabas ang Sugar Free at si Echo)
  • Love knows no age, gender or race.
  • Inuulit: Ang tunay na pag-ibig ay 'di nalilimit sa edad, kasarian o lahi.

  • ''Ayaw ako ng bestfriend/nanay/tatay/friends mo, suko na ako!" (X)
  • "Nagbago na siya, 'di na sya emo! punkista na siya! di na siya nagsusuot ng black t-shirt!ayoko na!" (X)

It believes all things.
  • ''Dahil mahal kita, maniniwala ako sa lahat ng sasabihin mo, kung magsisinungaling ka lamang sa akin, isa lang ang ibig sabihin niyan :           hindi mo pinapahalagahan ang pagtitiwala ko sa'yo."

It hopes all things.
  • "Hindi ako mawawalan ng pag-asa na magbabago ka (sa ikakabuti mo)."
  • "Hindi ako mawawalan ng pag-asa na may kabutihan pa rin sa'yo."
  • "Hindi ako mawawalan ng pag-asa na kahit anong mangyari (magkalayo man tayo), kung tayo ay talagang para sa isa't isa, tayo rin ang magkakatuluyan sa huli."

It endures all things.
  • '' Til death do us part.;)' "

Love NEVER fails.
  • ''Kung mahal natin ang isa't isa, 'di tayo susuko, 'di mapapawi ang nararamdaman natin kahit anong mangyari man sa atin at tayo pa rin ang magkakatuluyan hanggang wakas.''
  • IT NEVER ENDS.

NOTE: IMPOSIBLE na lahat ng katangian na nakasaad dito ay meron lahat sa'yo o sa iyong minamahal. Kung sa tingin mo "'oo'' ,  baka nasa  Fantasia ka nakatira kasama ni Grazilda. Ito ay gabay lamang kung ano ba talaga ang TUNAY na pag-ibig. Makakabuti rin kung sisikapin mong maging katangian ang mga nakasaad dito. Ang tunay na pag-ibig ay hindi one-sided. Ang tunay na pag-ibig ay pinagtutulungan.

 (inilathala ni: admin Apat ♥)

Sabado, Abril 9, 2011

Tayo'y Mag Muni-muni




October 25, 2010
Maikling Kasaysayan
Nakita ko ang UST Ghost Stories.
Naisip ko ang UST Love Stories.
Hinanap ko sa facebook kung mayroon ng
page na ganon.
WALA PA PALA :">
At dito nagsimula ang lahat...
Part 1
-PINAKAUNANG WALL POST
Part 2 - Pangalawang Araw
Part 3 - Mga Wall Post





I-Click niyo na lang para mabasa niyo

Nakakawindang yung ibang suggestions hahaha


<3


SALAMAT SA LAHAT NG TUMULONG PARA LUMAGO UNG PAGE.
Hindi ko na mababanggit lahat dito pero lubos talaga akong nagpapasalamat sa inyo.
Hindi lang ung love stories at ung mga aral sa bawat love stories ang nakuha ko dito.
Ang pinakahabol ko dito sa page, ay ung SAMAHAN na nabuo. Kahit papaano napagbubuklod
ung mga thomasians dito lalo na sa usapang love life.
Korny na kung korny pero basta ako, naging masaya at masaya pa rin ako dito :D

UMPISA PA LANG ITO PARA SA RAWR.
Oh, Pagtapos nito aabangan ko naman ung kwento niyo ha? ;)

Submit a Picture

Name:
Email Address:
Image URL:
Caption:
Message (Optional):